Search This Blog

Monday, November 7, 2016

#USvote | A Voter's Guide to Federal Elections


NEW YORK          NEW JERSEY


GABAY PARA SA BOTANTE
Sa Halalang Pederal 

Layon ng U.S. Election Assistance Commission(EAC) na gabayan ang botante sa proseso ng halalaan, mula pagrehistro hanggang sa pagboto sa Araw ng Eleksyon. Bukod sa pagkakaloob ng mga batayang proseso sa pagboto, nakasaad din sa gabay na ito ang mga impormasyon hinggil sa sino ang kuwalipikadong bumoto, maagang pagboto, iba’t ibang paraan ng pagrehistro at proseso para sa mga mamamayang nasa ibang bansa at botanteng nasa serbisyo ng sandatahang lakas ng bansa, at akomodasyon sa botohan na mas nagpapadali sa lahat ng mga botanie. 


KARAPAT-DAPAT BA AKONG BUMOTO?
Upang maging kuwalipikado na bumoto, kailangan na ikaw ay isang mamamayan ng Estados Unidos. Sa karamihang mga Estado, ikaw ay dapat na may edad na 18 taong gulang para makaboto. Gayunman, sa ilang mga Estado, pinahihintulutang bumoto ang mga 17 taong gulang sa primarya na nauuna sa halalan ng Nobyembre, na kung saan sila ay may edad nang 18 taong gulangAng abwat Estado ay may kani-kanilang mga kinakailangan upang maitakda ang pagka-residente para makaboto. Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa mga kinakailangan sa bawat Estado, makipag-ugnayan sa inyong State o local election office. Nakasaad din sa National Mail Voter Registration Form ang mga kinakailangan sa bawat Estado.

TAGALOG          ENGLISH

A Voter's Guide to Federal Elections



          

No comments:

Post a Comment