|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
Isang maulan, maulap at hindi kalamigang winter weather ang sumalubong nitong Martes, Pebrero 25 sa mahigit apatnapung katao na nagtipon sa harapan ng konsulado ng Pilipinas sa New York upang manindigan para sa mahigit na sampung libong manggagawa ng ABS CBN, kalayaan sa pamamahayag at demokrasya sa Pilipinas.
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
Ang pagkilos ay itinaon sa araw nang pag gunita sa ika tatlumpu't apat na taong anibersaryo ng EDSA I people power revolution sa Pilipinas, ang paninindigan ay isang panawagan ng grupong US Pinoys for Good Governance o USPGG sa mga Pilipino para magsagawa ng mapayapa at malawakang pagkilos sa harapan ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa Amerika at sa ibang bansa. Ang mapayapang pagkilos ay suportado ng Stand with ABS CBN Coalition.
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
Ang Stand with ABS CBN Coalition ay binubuo ng ibat ibang organisasyon ng mga Pilipino sa Amerika, kabilang ang Malaya Movement, National Federation of Filipino American Associations NaFFAA, Damayan, USPGG atbp, sila ang nangunguna upang iparating sa pamahalaan ng administrasyong Duterte ang kanilang pagtutol sa paghain ng quo waranto laban sa ABS CBN at hiling na mabigyan ng panibagong prankisa ang kumpanya upang hindi maantala ang kanilang operasyong makapag bigay ng balita, kaukulang impormasyon at kasiyahan sa mga Pilipino sa ibat ibang panig ng mundo.
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
|
Lambert Parong/ Kababayan Media |
|
Sulat at mga kuha ni Lambert Parong para sa Balitang New York. Copyright 2020 Kababayan Media. All Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment